Si Ma Ato Belen ay gumagawa ng organic fertilizer mula sa mga binulok na halaman na pinagyaman ng bulate sa pamamagitan ng mga dumi nito. Sa paggamit ng organic fertilizer ayon sa kanya, ang bunga ng ating mga pananim ay di makakapaminsala sa kalusugan ng mga kumakain nito di tulad sa paggamit ng chemical fertilizer. Ang kita pa ng mga magsasaka’y lalaki sapagkat walang gastos sa abono (kung ang magsasaka mismo ang gagawa ng abono o pataba).
Iba’t ibang uri ng punong kahoy ang napabunga ni Ma Ato ng maaga. Ang kanyang farm ang nagsilbing experimental farm ng Laguna State Polytechnic University (LSPU). Nakatutulong din siya sa mga mangingisda kung dumarating sa di inaasahang pagkamatay ang mga isda. Sa halip na problema nila ang pagtatapon ng mga ito, kumikita pa sila dahil ang mga namatay na isdang ito’y binibili ni Mang Ato para maging sangkap sa kanyang organic fertilizer.
Matapos ang aking pakikipanayam kay Ma Ato Belen ay nabuo sa aking isipan na ang Lunsod ng San Pablo ay maaaring kilalanin bilang isang pinakamaunlad na Lunsod sa Buong Katagalugan. Kung ang lahat ng kanyang pananaliksik na nagdulot ng masaganang ani ay mapapalaganap, walang pamilya sa Lunsod ng San Pablo ang magugutom at walang pamilya ang mananatiling mahirap. ■
“Tunay na Nagmamalasakit sa Kanyang mga Kababayan”
Written By: Mary Joy Lisay
Source: Ang Dyaryo Natin (Vol. III No. 07 ■ June 21 – 27, 2010)
Laguna Scope News (Weekly Newspaper: Circulated in Laguna Province)